Here Comes the Bride

Normally kapag ganitong nasa planting stage ako sa trabaho (networking), hindi talaga ako manonood ng cine o tv maliban na lang kung Nora Aunor film, o kaya Johny Depp or Brad Pitt or Tom Hanks ang bida. Lalo ngayon very excited ako sa Fusion Excel.

Wala talaga kong planong manood ng kahit anong pelikula ngayon pero ng nabasa ko sa wall ng isang FB friend ko na excited daw sya kasi manood sya ng “Here comes the bride” inisip ko siguro maganda kasi may pagka-film critic sya kaya tiyak mataas ang standard nya sa pelikulang panooorin nya, kaya nanood ako last Saturday last full show sa Robinsons Galleria.

Nag enjoy ako sa panonood, as usual mahusay si Eugene Domingo, pati si Candy Pangilinan, Angelica Panganiban, at John Lapus. Pati ang plot ng story, ang editing, cinematography ay mahusay sa aking sukatan. Kaya pagkatapos kong manood ay tiningnan ko sa poster kung sino ang director, dahil mahusay ang pagkagawa sa pelikula.

Tawa ako ng tawa, wala corny sa pelikula, yung mga sitwasyon mismo ang nakakatuwa, para syang Hollywood film.

Gusto ko rin ang character ng gumanap na ikakasal kay Angelica Panganiban kasi pag hinahalikan nya sa lips si Eugene, parang may pagmamahal talaga.

Kapag nilabas na ang DVD copies nito ng Star Cinema, ciguradong bibili ako kaagad, para makasama sa collection ko ng magagandang pelikulang Pilipino.

Filed Under: Films

Tags:

About the Author:

RSSComments (0)

Trackback URL

Leave a Reply